BI Comm. David, Intel Gabulza at overpriced na roro

“INVOLVED ang mga yan sa iligal.”

Yan ang mariing sumbong ng ating uzi laban kina BI Intel Jerome Gabulza at tirador nito na si Tootsie Macalas alyas Manjo del Monggo.

Ito raw si Tootsie ay tinawag na Del Monggo dahil sa gamonggo lang ang laki ng utak nito at dahil lang kay Mikey kung kaya ito napasok sa bureau.

GAMIT NI GABULZA

Gamit daw ni Gabulza sa front itong si Del Monggo para nga naman hindi masunog ang kanilang operasyon.

Gaya ng pagkakahuli sa mga Taiwanese sa Washington Tower na operator ng credit card scam.

Malinaw na lumutang sa mga iligalista ang pangalan ni Del Monggo pero hindi man lang ito pinaimbestigahan ng BID-Intelligence.

Bakit?

Sino-sino ang mga patong d’yan sa credit card scam?

Sino? Sagot, Gabulza!

UTOS NI MIKEY

Utos daw ni Mikey kaya hindi naimbestigahan itong si Del Monggo ng Intel sa pagkakasabit sa credit card scam.

Bakit hanggang ngayon ba ay si Gloria pa rin ang Presidente n’yo?

Oo nga pala! Si Atty. Boy Gabulza kasi ang bata sarado ni Gob. Ebdane na kapatid naman ni Jerome kaya siyempre kay GMA pa rin ang katapatan ng mga Gabulza.

Ipasilip mo yan Comm. Ricardo David para malaman mo kung ano ang totoo.

GABULZA TANGA

Puro bukol ang inaabot ngayon ni Atty. Tonette Mangrobang dahil talaga nga namang kilala nang tulisan itong si Gabulza.

Kaya nga raw tinawag itong Gabulza ay trabahong pagkakaperahan lamang ang tinitira nito.

At kapag serbisyong libre ay madalas itong nagtatanga-tangahan pero meron namang minsan ay…tanga lang din talaga. Ehek!

SEXUAL HARASSMENT

Sa susunod ay kakalkalin natin ang sexual harassment na kinasangkutan ng mga gago.

Isang reklamo raw ang isinalang ng isang OJT sa Immigration dahil “binobogli” daw siya ng mga manyakis.

Hooops! Kukumpletuhin muna natin ang detalye bago natin isulat.

JERRY YAP ANG PADRINO

Ipinagmamalaki raw ni Gabulza na malakas s’ya kay National Press Club (NPC) Pres. Jerry Yap at siguradong papadrinuhan s’ya nito.

Sa katunayan ay sa kanya pa nga raw humihingi ng impormasyon si Pres. Yap kapag usaping immigration ang kailangan.

Hoy, Gabulza! Hindi kukusintihin ng pangulo ng NPC ang katarantaduhan mo.

Kaya huwag kang umasa na titigilan ka ng ULTIMATUM!

Pramis!

OVERPRICED NA RORO

Buking na buking na talagang may nakinabang sa administrasyong Arroyo sa proyektong RORO ng DOTC.

At sey n’yo! Congressman na raw ngayon ang ponente ng anomalyang ito.

SIPA NG MALAKING KOMPANYA

Sumipa ang malalaking kompanya sa ipinalabas na presyo noon ng French  Company na Eiffel Matiere para sa proyektong Roll On Roll Off ng administrasyong GMA.

Nagsalita ang kompanyang Atlantic, Gulf & Pacific Co. Inc. at EEI Corp. at sinabing kaya nilang gawin ang proyekto sa mababang halaga pero bakit ipinilit na sa French company ibigay?

Ipinilit daw kasi ito ng super sipsip noon kay GMA na ngayon ay Congressman na.

ANG LAKI NG NINAKAW

Hooops! Bakit naging  Liberal na ang partido ngayon ng gagong ito?

Tsk! Tsk! Tsk! Matuwid na daan ba na tanggapin ang isang gagong pulitiko na limpak limpak na salapi ang ninakaw sa bayan?

Base sa pagsasaliksik ng DOTC maaaring maitayo ang isang RORO port sa halagang P60 milyon lamang. Pero siningil tayo ng P143M ng French Company ni Kongresman.

Aba! Hindi ba’t I Love You ang ibig sabihin ng 143?

Punyeta kayo! I F#*& You!

Yan ang masasabi ng ULTIMATUM sa inyo, kasama ka na Congressman.

Oo nga pala, kilala ang gagong Congressman na ito na si Cong. Kabangga.

LAND GRABBING NI CONG. KABANGGA

Sa susunod ay hihimayin naman natin ang land grabbing modus ni Cong. Kabangga sa Boracay Island.

Nagkamatayan na’t lahat ay namamayagpag pa rin si Kongresman sa dami ng salapi.

Agawan mo ba naman ng lupa ang mga walang labang mahihirap d’yan sa Boracay, aba’y yayaman ka talaga lalo.

At siyempre sa kagandahang loob ito ng tulong ng pinsan ni Kabangga na pulitiko ring “korap” d’yan sa Boracay!

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

‘DI REHISTRADO SA BIR

Sir,  good afternoon po.

May kakilala po ba kayong tao na pupuwedeng makausap sa Bureau of Internal Revenue?

Kasi po may kompanya rito sa Canlubang, Laguna na hindi nakarehistro sa kanila. Ito po yung name ng company. h&e Manufacturing Corporation.

Katabi po ng La Tondeña.

Pero ang front nila ay Multi-Mix  International. Sa may Terelay po ito. +63918319….

LUMP SUM NG SSS KALAHATI LANG

Good morning po. Gusto ko lang ipaalam sa inyo ang reklamo ko. Tungkol sa Social Security System  ng kaanak ko.

Kalahati lang po ang ibinigay mula sa nakalagay na gross lump sum.

Bakit po nila inilagay ang halaga ng  gross lump sum kung kalahati lang ang i-release nila?  Pinaikot-ikot po nila ako. Thanks & more power sa inyong kolum. +63948563….

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply