Biado overall champ sa BSCP national pool

SI CARLO “Cool” Biado ang tinanghal na toughest BSCP National Pool Champion na ginanap kagabi (Oktubre 11) sa Star Billiards Center sa Grace Village, Quezon City.

Nakolekta niya ang over-all championship purse na P200,000. Nagkasya naman si Allan Cuartero sa P100,000 para sa over-all second  habang naiuwi naman ni Dennis “Robocop” Orcollo ang P50,000 para sa over-all third.

Si Biado ay nagkampeon din sa 8-ball competition at lumagay sa second place kay eventual 9-ball champion Orcollo.

Ang La Union bet Biado ay semifinalist din sa World Ten Ball Championships sa taong ito.

Kahapon, tinalo ni Cuartero si Biado, 11-2, sa finals ng 10-ball competition. Tinanggap ni Cuartero ang top prize na P50,000 sa nasabing event habang nakamit naman ni Biado ang runner-up prize  P20,000. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply