Biado vs Cuartero sa 8-ball final

NAKATAKDANG magtuos sina rising star Carlo Biado at former OFW Allan Cuartero sa Finals ng men’s 8-ball BSCP National Pool Championships sa Star Billiards Center sa Quezon City bukas (Oktubre 9).

Dumaan sa butas ng karayom ang dating caddie na si Biado upang makaharap si Cuartero na siyang naglaglag sa kanya sa losers’ bracket.

Binugbog ni Biado si Johan Chua sa score na 8-0 sa losers’ side upang makaharap si top seeded at world’s no. 1 pool player Dennis “Robocop” Orcullo sa semifinals.

Tinalo ni Biado si Orcullo, 8-5, habang sa isang semis match ay sinibak ni Cuartero si Ricky Zerna, 8-7.

Samantala, kagabi, (Oktubre 7) ay nalaglag sa losers’ bracket si Biado sa pagbubukas ng men’s 9-ball event.

Dinaan ni Jeffrey “The Bull” De Luna sa lakas ng sargo upang yanigin si Biado, 9-3.
Kailangan ni Biado na kalusin ang lahat ng makakatunggali sa losers’ side upang makasampa sa semis.

Winalis naman ni Cuartero ang tatlong nakalaban upang manatili sa winners’ bracket.

Unang hinulog ni Cuartero ay si Judy Villanueva 9-6; sumunod si Jeff Diaz 9-7; bago kinalos si Richard Alinsub 9-8.

Sumargo naman ng dalawang panalo si Orcollo kina Alexander Arenal 9-7 at Marvin Tapia, 9-4 upang makapirmi sa winners’ side. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply