Biado vs Cuartero sa Finals ng BSCP 8-ball National Championships

NAKAPUWERSA ng rematch si up-coming star Carlo Biado kay Allan Cuartero matapos sibakin si reigning World No.1 player at current World 8-Ball champion Dennis Orcollo sa semisfinals ng BSCP National Championships sa Star Billiards Center Quezon City, kagabi.

Inulit ni Biado ang pagsibak kay Orcollo matapos ang 8-5 panalo kagabi, (Oktubre 5) sa kanilang race-to-8 alternate break format kung saan ang nasabing event ay qualifying para sa World Pool Summit.

Makahaharap sa Finals ni World Ten Ball Championship semifinalist Biado si Cuartero na nakalusot kay Rickey Zerna, 8-7 sa isang semis match.

Mula sa losers’ side si Biado matapos siyang ilaglag ni Cuartero, 7-8 sa kanilang paghaharap sa winners bracket.

Kinawawa ni Biado si Johann Chua, 8-0 dahilan upang magkaroon ng lakas ng loob ang una na talunin si Orcollo.

Si Biado rin ang sumibak kay Orcollo nang magharap sila sa nakaraang WTBC na ginanap dito sa World Trade Center.

“He was struggling breaking the balls. In fact, he had three dry breaks, ,” wika ni Biado, isa sa mga pambato ni Perry Mariano ng Bugsy’s Promotions.

“I like my chances against Cuartero, but it’s not a guarantee of a win because he’s a veteran player and I lost to him the last time around,” dagdag ng dating caddie, Biado.

Ang Finals showdown nina Biado at Cuertero ay gagawin sa Oktubre 9 sa nasabing venue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply