Bikolanong bading na tindera ng maruya ang naka-churva kay Manoy Eddie Garcia

FINALLY ay inilantad na rin ni Manoy Eddie Garcia kung sino ang masuwerteng bading na unang nakatikim sa kanyang sariwang katawan noong siya ay 15 years old lang. Kuwento pa ng mahusay na beteranong actor-director, taga-Sorsogon din ‘yung bakla na pinatulan niya. At nag-iisang bading lang daw ‘yun sa bayan nila na tindera ng maruya. Actually, hindi lang naman daw siya ang nahada nito kundi natikman din nung bading ang dalawang barkada niya. Nangyari raw ang gay experience niyang ito habang naliligo silang tatlo ng kanyang katropa at sinisilipan sila nung bakla at presto! nangyari na nga ang dapat mangyari.

Sa totoo, wala raw pinagsisihan dito si Tito Eddie dahil talagang nararanasan naman daw ito ng mga kabataan. Ang importante ay may napasaya raw siyang nilalang noong mga panahong ‘yun. Libre na rin siguro sila ng maruya dahil nagpa-churva sila sa nasabing magmamaruyang bading. Ang big question lang ngayon ay kung still alive pa ba ang kapatid nating ito? Sana, hindi pa siya tigok nang nababasa pa niya ang big revelation na ito ni Manoy Eddie tungkol sa nakaraan nila. Kasuwerte, gyud!

***

Jensen Kyra Tenoso nangangarap na maging sikat na recording artist

BEFORE ay hanggang pangarap lang itong sina Sarah Geronimo, Angeline Quinto etc. para maging sikat na singer.

But look at them now, pare-pareho na silang sikat. Mas malaki nga lang ang name ni Sarah compared to Angeline pero unti-unti na ring nasusungkit lahat ng huli ang kanyang mga pangarap. Ganito rin siyempre ang dream o wish ng isa sa Finalists sa Protege ng GMA-7 na alaga ni Claire dela Fuente na si Jensen Kyra Tenoso. Ang malaking advantage nga lang ni Jensen ay nasa tabi nito para-parati ang kanyang manager na laging nakasuporta sa kanya anuman ang mangyari sa laban niya sa Protege.

Kumbaga nasa mabuting kamay na ang nasabing aspiring singer at nakasisiguro na siya sa kanyang magiging future sa showbiz. At bongga dahil hindi lang pala siya (Jensen) ang ibi-build-up bilang singer ni Ms. Claire kundi bilang actress din tulad ng mga alaaga ng Viva Recording Artist/Enterpreneur na sina Sam Pinto, Bela Padilla, Meg Imperial at marami pang iba.

Well, malaki ang tiwala ni Ms. Claire sa new talent niyang ito at alam niyang mapasisikat din niya ito in the near future. Sabi pa ng mahusay na talent manager, solo raw niyang mina-manage si Jensen. Para mapasakamay nito ang tagumpay ay iboto nyo siya sa Protege na napanonood every Sunday sa Kapuso network. By the way, last Sunday, sa Center Stage ng MOA ay ginanap ang First Gala Night ng Protege. At tulad ng inaasahan ay naging stand-out muli ang performance ng protege ni Ms. Claire kung saan kinanta nito ang winning song noon ni Fantasia Barrino na I Believe sa American Idol noong manalo ito few years ago.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply