Biktima ng cyber bullying

MAY mga tao talagang hindi natutuwa sa tagumpay ng kanilang kapuwa. Ito ngayon ang na-e-experience ng new endorser ng Olay with Kim Chiu na si Natasha Villaroman na daughter ng sikat na Gobernadora ng Dinagat Islands sa Surigao at kilala rin bilang recording artist na si Jade Ecleo. kalokah!

Biktima si Natasha ng “cyber bullying” sa Intenet kung saan nilabas ng mga taong insecure na ito ang before and after na mga pictures ni Natasha.

Eh, kung hindi ba naman sira ang ulo nyo, mananalo ba ang newcomer personality na ito sa The Search for The Fairest One ng OLAY kung hindi talaga siya maganda? We should know dahil minsan na naming nakasama ni BFFT Pete A. itong si Natasha sa isa sa mall show ng kanyang Mom Jade. And even without makeup ay talagang pretty na siya. Ha’y naku! Kami na mismo ang nagsasabi na malayo ang mararating ng career ng batang ito sa showbiz.

Kita nyo naman, hindi pa nga ganun kasikat eh may mga nang-iintriga na sa kanya.

Honestly, hindi nagpapahuli ang ganda ni Natasha sa mga famous youngstar. At mabigyan lang siya ng proper break, either ng Kapamilya network o ng Kapuso, ay sisikat ito. Kung hindi kami nagkakamali ay ang manager din ni Jade na si Ma’am Emmelene Mercado ang nagma-manage sa career ni Natasha Villaroman. At doon sa mga nagsa-cyber bullying kay Natasha kayo ang pangit! Korek gyud!  (As far as I know, sis, iba ang kukuning manager ni Ms. Jade para sa kanyang beloved daughter. – Ed)

****

Panalo ka na ng Eat Bulaga coffeetable makatutulong ka pa sa mga mag-aaral

SUNUD-SUNOD ang mga bagyong dumapo sa ating bansa na nag-iwan ng matitinding perhuwisyo sa mga Kababayan natin.

At isa na sa labis-labis na mga naapektohan ay ang maraming eskuwelahan sa iba’t ibang lugar na hindi lang nasira ang mga silid-aralan kundi mga kagamitan din ng mag-aaral partikular na ang pinakamahalaga sa lahat na mga libro. Kaya para matulungan natin sila, last Saturday ay inulunsad ng Eat Bulaga ang kanilang bagong public service kung saan sa pamamagitan ng inyong pagti-text ay mananalo na kayo ng Dabarkads Coffeetable plus Authentic EB Anniversary DVD, T-shirt, Jacket etc., makatutulong pa kayo sa maraming mag-aaral.

At para magawa ito ay magtext na gamit ang format na ito. Para sa mga residente ng Mindanao ang code na dapat nyong gamitin ay Dekada, para naman sa mga taga-Visayas ay Dabarkads at Eat naman sa mga taga-Luzon o Metro Manila. Just type EB(Space) Code/Name and Address send nyo ito sa 2344 kung kayo ay Globe/Sun/TM subscribers at para naman sa mga Smart at Talk ‘N Text users padala nyo ito sa 367.

Suportahan natin ang magandang hangarin na ito ng Eat Bulaga.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply