Biktima ng salvage lumutang sa ilog

NATAGPUAN ng mga residente ang isa na namang lalaking biktima ng summary execution habang lumulutang sa ilog ng Zapote, Las Pinas kaninang umaga.

Ang biktima ay tinatayang namay taas na 5’4”- 5’5”, nakasuot ng kulay itim na short pants, walang saplot na pang-itaas na damit na nasa pagitan ng 23-30 anyos.

Ang di pa kilalang biktima ay natagpuan bandang alas-7:00 ng umaga habang lumulutang-lutang sa pagitan ng Barangay Ligas, Pamplona Las Pinas at Bacoor Cavite.

Ang lalaki ang may packaging tape sa bibig at may tama ng saksak sa dibdib na posibleng ikinamatay nito. Johnny Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply