Bilang ng nagtutungo sa Manila North Cemetery tumaas na sa 15,000

TUMAAS na sa mahigit 15,000 ang bilang ng mga taong dumagsa sa Manila North Cemetery upang dalawin at linisin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay ngayong araw.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Station 3 Commander James Afalia na hindi naman nagtatagal sa loob ng sementeryo ang karamihan sa mga bumibisita dahil matapos maglinis at mag-alay ng bulaklak ay umuuwi na rin ang mga ito.

Paliwanag naman ng ilang bumisita, umiiwas sila sa pagdagsa ng mas maraming tao sa Nobyembre 1 kaya’t piniling ngayon na pumunta sa sementeryo.

Samantala, marami pa rin ang nahulihan ng mga patalim sa sementeryo kaya’t muling paalala ng pulisya, huwag nang magdala ng kahit anong matutulis na bagay upang maiwasan ang aberya.

Pinaalalahanan din ng awtoridad ang mga kapwa pulis na hindi nakadeploy sa lugar na bawal magdala ng service firearms kundi ay kukumpiskahin ito.

Naglibot naman si MPD Officer-in-Charge Senior Superintendent Alejandro Gutierrez para matiyak na plantsado ang ipinatutupad na seguridad sa sementeryo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply