Binaha sa Bulacan nagkakanakawan na

PINAIGTING ngayon ng mga awtoridad ang pagpapatrol sa mga binahang lugar sa Bulacan upang hindi na maulit pa ang insidente ng nakawan sa kanilang lugar.

Kaugnay ng problema sa baha, isang tindahan at warehouse sa loob ng palengke sa Calumpit ang napa-ulat na nilooban ng mga desperadong nang residente.

Posibleng abutin pa ng isang linggo bago tuluyang humupa ang mataas na tubig baha sa mga bayan ng Calumpit, Hagonoy, Paombong at Pulilan sa Bulacan.

Habang tumatagal ang baha sa Bulacan, nagiging pahirapan na ang sitwasyon ng mga residente.

Pangunahing problema ngayon ang sanitasyon kung saan nangangamoy na umano ang tubig sa binahang lugar bunsod ng pinaghalong dumi ng hayop, tao at tubig kanal. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply