Binatilyo inutas habang naglalaro ng video game

TODAS ang isang binatilyo matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng video games shop habang naglalaro ang una sa Caloocan City Biyernes ng gabi (Oktubre 7).

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Edgar Labastida, 17, ng Miramonte Park West ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi, naglalaro ang biktima sa Cristitos Video Games Shop sa nasabing lugar nang pasukin at pagbabarilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas agad ang salarin.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng salarin at ang motibo sa pamamaslang. Rene Manahan

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply