Binatilyo natabunan ng quarry, todas

DEAD on the spot ang isang binatilyo matapos matabunan ng lupa sa isang quarry site malapit sa isang bangin sa South Cotabato, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, basag ang bungo ng biktima na nakilalang si Alvedaic Bola, 15-anyos, residente ng Purok Balabat, Barangay Poblacion Polomolok South Cotabato.

Sinasabing ulila na sa ama ang biktima habang nasa Maynila naman ang ina nito kaya napilitang sumama sa kanyang tiyuhin na si Danny Bola na naghahakot ng bato at buhangin sa nabangit na quarry.

Nabatid na kasalukuyang nagkwa-quarry ang mga kasamahan nito nang biglang gumuho ang lupa at natabunan ang biktima.

Sa pahayag ng kanyang tiyuhin, sinubukan pa ng kanyang pamangkin na tumakbo, pero huli na at hindi na ito nakaligtas.

Umabot ng dalawang oras ang paghahanap sa biktima na hinihinalang tinamaan ng malaking bato sa mukha na naging sanhi ng agarang pagkamatay.

Kaugnay nito, pinaiimbestigahan ng lokal na pamahalaan ng Polomolok ang insidente upang malaman kung bakit hinayaang magtrabaho sa isang quarry site ang isang menor de edad.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply