Binatilyong natalo sa bilyar binoga ang kalaban

BUTAS ang dibdib ng isang binatilyo matapos barilin ng kanyan tinalo sa larong bilyar sa Cebu kaninang madaling-araw.

Dead on arrival sa Everleys Child Sanitarium sa Barangay Jagobioa sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa dibdib ang biktimang si Jade Emnace, 13, ng Purok 4 Barangay Nangka sa Consolacion    

Tumakas naman at ngayon ay tinutugis na ng pulisya upang panagutin sa krimen ang suspect na si Florentino Bregente, alyas Junjun, 17, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-5 ng madaling-araw sa isang billiard hall na nasa loob ng multicab terminal sa Barangay Cansaga, Consolacion town na nasa 13 kilometro hilaga ng nasabing siyudad.

Ayon sa imbestigasyon ni P01 Rey Ariaque, bago ang pamamaril ay magkasamang nagpunta ang magkaibigan sa karnibal na itinayo dahil sa nalalapit na town fiesta sa Oktubre 28 at 29.

Pero imbes dumiretso ay nagdesisyong magbilyar muna sa isang lokal na bilyaran na nasa tabi ng karnibal.

Ayon naman sa isa pang kaibigan na si Jamescott Singson, 12, nagtalo sina Bregente at Emnace dahil natalo ng biktima ang suspek sa bilyar.

Lalo pang lumalala ang sitwasyon nang kantiyawan pa ng biktima ang suspek kaya sa puntong iyon ay binaril nito ang kalaro bago tumakas.

Nalaman din na ang magkaibigan ay kapwa out-of-school youth na nagpaparaos ng magdamag sa kalsada imbes na sa bahay nila. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply