Binato ng putik: militanteng grupo, mga residente ng North Triangle sumugod sa tanggapan ng Ayala land

SUMUGOD ang mga militanteng grupo kasama ang mga residente ng Barangay North Triangle, Quezon City sa main office ng Ayala Land Incorporated sa Makati City kung saan pinagbabato ng putik ang entrada ng gusali.

Nabatid na pinagbabato ng mga ito ang harapan ng gusali na ang tinamaan naman ay mga nakabarikadang security guard ng kompanya.

Inakusahan ng mga raliyista ang kompanya bilang land grabber dahil sa umano’y pagkamkam ng mga lupain kabilang na ang kinatitirikan ng kanilang mga bahay sa Sitio San Roque, Barangay North Triangle na target pagtayuan ng Quezon City Central Business District.

isinagawa ang pagsugod dahil sa nangangamba ang grupo sa napipintong pag-demolish sa kanilang bahay bukas, Oktubre 27, na siyang araw ng pagtatapos ng dalawang buwang palugit na ibinigay ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply