BJMP sa Samar sinalakay ng mga rebelde

SINALAKAY ng mga armadong kalalakihan na mga kasapi ng New Peoples Army ang isang remote Bureau of Jail Management Penology (BJMP) detention center na nakabase sa Oras, Eastern Samar kaninang umaga, sa ulat ng militar.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, alas-9:00 ng umaga nang inilunsad ng humigit kumulang sa dalawampung kalalakihan ang kanilang guerilla offensive sa maliit na kulungan ng BJMP.

Umatras lamang ang mga suspek nang malaman na may paparating na reinforcement mula sa tropa ng militar at walang preso silang naisama sa pag-atras.

Sa panayam kay Army  Col. Jun Diaz, hindi muna siya nagbigay ng iba pang detalye dahil patuloy pa umano ang pagtugis sa mga rebelde.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply