Blackbelt fighters maghaharap sa Smart MVP taekwondo c’ship

MAGHAHARAP ang country’s top-rated blackbelt fighters na galing sa 12 regions nationwide upang makipagsipaan sa magaganap na 2011 Smart MVP Best of the Best taekwondo championships sa Oktubre 29-30 sa San Miguel by the Bay, Music Hall, SM Mall of Asia.

Mga gold medal winners sa blackbelt levels sa Luzon, Visayas at Mindanao Championships, UAAP, NCAA, AFP-PNP Olympics at lahat ng PTA competitions sa Metro Manila at sa iba pang rehiyon kasama ang blackbelt organizations Taekwondo Blackbelt Brotherhood (TBB), Taekwondo Blackbelt Sorority (TBS) and the Philippine Taekwondo Contingent (PTC) ang maaring lumahok sa nasabing event.

Inaasahang aabot sa 700 blackbelts ang lalahok sa event na inorganisa ng Philippine Taekwondo Association.

Ang latest advancement sa taekwondo na PSS or Protective Scoring System ang ipapatupad na format sa tournament.

Imbitado manood sa two-day event ang mga martial arts enthusiasts at sports buffs lalo ang mga batang gustong matuto sa nasabing sport. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply