Blind item ng kalabang istasyon, John Lloyd nalasing at nagsisigaw ‘daw’ sa lobby ng hotel

NASA taxi kami noong umaga ng Biyernes at naka-tune in kami sa DZBB sa programa nina Arnold Clavio at Mike Enriquez. Grabe ang paglalahad ng BI. Paulit-ulit na pinaglaruan ng dalawa ang nasabing pahulaan tungkol sa isang sikat na aktor mula sa kabilang network na naglasing daw at nagwawala sa lobby ng isang hotel.

Ang tsika, inaway daw siya ng kanyang girlfriend dahil sa selos. Pero hindi naman binanggit ang name ng GF noong aktor na kaya nagselos ay dahil na-sight nitong nakipag-usap ang aktor sa kanyang dalawang ex.

Sa mga initials na ibinigay sa programa ay madalas banggitin ang letrang J at kung minsan, binabanggit na John ang pangalan ng aktor. Pati ‘yung pinapatugtog nilang awitin ay may John sa pangalan ng singer dahil isang awitin ni Johnny Mathis ang pinatugtog ng mga sandaling ‘yun.

Base sa pinagsasabi ng aktor, ipinagmamayabang nito na may alok sa kanya ang isang TV network to the tune of milyones.

Sino ba ang bina-blind item, si John Lloyd Cruz ba?

May news feed na umabot sa aming kaalaman na may nakakitang nag-usap daw itong John Lloyd sa dalawa nitong naging GF na sina Ruffa Gutierrez at Liz Uy. Tuloy naisip namin na baka ito ang naging ugat ng pagkaroon ng away nina John Lloyd at Shaina dahil sa selos?

Lalo naming napagtanto na ang aktor nga ang nasa blind item dahil sa bagong isyu sa kanya na may kinalaman diumano sa pagtigil nito sa shooting ng pelikula nila ni Angel Locsin.

Ang rason umano. naghihintay siya ng contract deal mula sa ABS-CBN ng isang offer na he can’t refuse.

Kaya lang noong Wednesday, October 12 sa renewal ng kanyang contract ay hindi ito pumirma. Posibleng ang dahilan ay ang perang matatanggap sa bagong kontrata.

Lalong naging konkreto ang aming haka-haka dahil may offer umano ang TV5 sa aktor at balitang humihiling daw siya ng P1M per taping. Kaya lang, ang offer umano ng Kapatid network ay P700,000 per taping/shooting.

Grabe naman kung totoo na may alok umano ang TV5 ng P.5 bilyones na package-deal o di kaya, P100 milyones. Sobra na ito, exageration-to-the-max ang balitang ito.

Sa tingin ninyo, si John Lloyd ang nasa blind item nina Arnold at Mike?

***
Napasikat kasi ng Superstar, Lloyd Samartino gustong makasama muli ang aktres sa isang proyekto

NAKATSIKA namin si Lloyd Samartino sa isang birthday party at nagulat kami sa kanyang pinkish complexion at gan’un pa rin ang pangangatawan, brusko. Parang hindi tumatanda.

Alam niya ang pagdating ni Nora Aunor at inamin na malaki ang naitulong sa kanya ng aktres noong nagsisimula pa siya sa showbiz.  Isa sa kanilang pinagtambalan ay ‘Annie Batungbakal’ na hanggang ngayon ay kinagigiliwan pa rin ang theme song ng pelikula.

Nagplano raw nitong ligawan ang aktres pero hindi niya itinuloy dahil balitang magsyota noon sina Nora at Tirso Cruz lll pero walang kaabog-abog at malaki ang panghihinayang nito nang nakasal ang aktres kay Christopher de Leon.

Habang nag-uusap kami, paminsan-minsan siyang umiinom ng beer. Habang tumatagal ay lalong naging pinkish ang kanyang pisngi hanggang hindi namin napigilan na alamin ang kanyang sekreto kaya napapanatili nito ang kanyang kabataan.

Inamin nitong he visits Calayan Surgicenter as often for a stem cell application, isang non-laser treatment for acne scars, pigmentation, skin tightening, fine lines and facial rejuvenation. Kaya pala, Lloyd maintained his youthful complexion throughout the years.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply