BOC-Philpost nagsanib puwersa vs pilferage packages

HINDI na mag-aalala ang Overseas Filipinos wokers (OFWs) na ang ipadadala nilang mga regalong nasa kahon para sa kanilang mahal sa buhay sa nalalapit na Kapaskuhan ay mawawala o mananakaw.

Sa isang working visit ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon kay Philippine Postal Corporation (PhilPost) General Manager at dating Bulacan Governor Josefina De La Cruz, nag-usap ang dalawa para mapabilis ang pagbibigay ng packages mula sa ibang bansa at palasin ang security measures para maiwasan ang pagkawala at pilferage sa mga packages.

Ayon kay Biazon,  natutuwa siya’t lumakas ang samahan sa pagitan ng BOC at Philpost, lalo na sa kanilang pagpupursigeng magkaroon ng “matuwid na daan” tipo ng serbisyo para sa Filipino nation.

Binigyan ni de La Cruz ang BOC ng isang espasyo at may seguridad na espasyo sa lob mismo ng Philpost building na ang mga  packages na manggagaling sa customs ay maingat na maitatago  at i-iimbak bago ito i-release.

Sa parte ni De La Cruz, “With the wider space and CCTV covered area provided to the Bureau of Customs, the inspection and storage of packages from abroad shall be secured.”

Sa isang insidente na naganap nitong unang bahagi ng taon, isang  Customs official kasama ang isa pang Philpost official ay naaktuhan sa CCTV camera habang nagbubukas ng packages na mula sa ibang bansa sa  NAIA Philpost office.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply