Bombing strike ikinasa sa Zamboanga Sibugay

NAGSAGAWA ng bombing strike ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippine sa isang area sa Zamboanga Sibugay Province at target na palambutin ang depensa ng may 100 armadong grupo na pinamumunuan ng isang Moro Islamic Liberation Front (MILF) commander bago pinasok ang kanilang pinaglulungaan ngayong tanghali.

Ayon kay Army Spokesman Maj. Harold Cabunoc, dakong alas-11:30 ng tanghali inilunsad ang law enforcement operation para madakip buhay man o patay ang kilabot na kidnapping group na pinamumunuan ni Waning Abdulsalam sa bisinidad ng Barangay Taib Sitio Labatan sa bayan ng Payao, Zamboanga Sibugay.

Nabatid na si Juaning Abdulsalam ay kinikilala ng MILF na isa sa kanilang mga area commander.

Sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni Cabunioc ang may 200 pinagsanib na elemento ng Philippine Army at Philippine National Police na siyang mga naatasan na magsagawa ng nasabing law enforcement operation sa utos ni Pangulong Benigno Aquino III.

Habang sinusulat ang balitang ito, ginagalugad ng mga tauhan ng pamahalaan na may back up na OV-10 gunships at armored vehicles ang nasabing grupo na sinasabing nagkukubli sa kanilang mga bunkers at running trenches.

“Army Chief General Arturo Ortiz has directed his subordinate commanders to pursue all lawless elements in their respective areas, while ensuring that the ceasefire agreement is strictly observed,” paliwanag pa ni Cabunoc.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply