Boosters idedepensa ang malinis na kartada

ISA sa pinakamainit na player ni Petron Blaze Boosters head coach Ato Agustin ay si Arwind Santos.

Si Santos ang tumikada ng tatlong sunod na double-double para sa Bosters kaya naman inaasahang muling siyang sasandalan ni Agustin kontra Meralco Bolts sa nagaganap na 2011-2012 PBA Philippine Cup elimination round.

Hawak ang 3-0 win-loss card ng 2011 Governors Cup champion Boosters habang 2-2 ang tangan ng Bolts bago sila magharap bukas (Oktubre 23) ganap na alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sa huling laro ng Petron Blaze ay nangalabaw si 2011 GC Finals MVP Santos ng 16 points at 21 rebounds upang talunin ang wala pang panalong Shopinas Clickers, 98-87.

Sa second game, hahanapin ng Alaska Aces ang kanilang unang panalo laban sa paumentong Rain or Shine Elasto Painters.

Lalong nabaon ang Aces sa ilalim ng standings na may 0-3 baraha habang nakikibuhol sa segundo puwesto ang Elasto Painters dala ang 3-1 panalo-talo karta.

Kasalo ng Rain or Shine ang kagagaling lang sa panalong Talk N’ Text Tropang Texters at Barako Bull Energy.

Tinalo kagabi (Oktubre 21) ng Tropang Texters ang B-Meg Llamados, 96-94, habang pinaluhod ng Energy ang Shopinas, 96-78, na parehong nilaro sa Cuneta Astrodome sa Pasay.

Bumira si Jared Dilinger ng career-high 31 points upang iligtas ang kulang sa taong Talk ‘N Text.

Pauwi pa lang mula sa pagbabakasyon si Ranidel de Ocampo habang may injury sina Jason Castro at Harvey Carey,

Masakit naman ang paa ni Jimmy Alapag kaya wala itong naitulong sa opensa ng bTropang Texters subalit nagbigay naman ito ng anim na assists sa 22 minutong paglalaro.

Naging katuwang ni Dilinger si Kelly Williams na kahit may jet lag dahil kadarating lang mula US ay nakapagtipa pa rin ng 23 puntos.

Dahil sa talo, nasa ikawalong puwesto ang Llamados na may 1-3 card habang pang panalo ang Aces (0-3) at kulelat ang Shopinas (0-4). Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply