Botya ‘di papapasukin sa Metro

NGAYONG magpapasko na, siniguro ng mga government meat inspection teams na tututukan nila ang pagdagsa ng botya sa palengke.

Ayon sa National Meat Inspection Service (NMIS), 24-oras na alerto ang kanilang grupo sa iba’t ibang lugar upang masigurong hindi makalulusot ang botya.

Ayon kay NMIS Executive Director Attorney Jane Bacayo, inaasahan nilang darami ang magtatangka ngunit hindi nila ito palulusutin.

Mayroon umano silang 300 veterinarians at meat inspectors para gawin ito.

Tututukan din umano nila ang mga processed food, tulad ng tocino, longaniza, tapa, corned beef, hotdog at iba pa lalo na kung hindi maayos ang packaging.

Ani Bacayo, kadalasang nanggagaling ang botya sa Central at Southern Luzon.

Sa Metro Manila, ibinabagsak umano ang mga botya sa Balintawak (Quezon City), Libertad (Pasay), at Divisoria (Manila) kaya dapat ding mag-ingat ang mga mamimili sakaling may makalusot sa kanilang mangilan-ngilan.

Samantala, tiniyak ng NMIS na ligtas sa sakit ang mga karneng mabibili sa iba pang palengke lalo na sa mga supermarket.

Kasama ang karne ng baboy, baka at manok sa kanilang tinututukan, na ayon sa balita, kung hindi maiulusot sa merkado ay ginawagang processed meat. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply