Brgy. Kapitan namaril, kapatid itinumba

BINARIL ng Barangay Kapitan ng Brgy. Bogtongan sa bayan ng Dueñas, Iloilo ang kanyang sariling kapatid dahil sa ingay ng videoke bar na pagmamay-ari huli.

Ang suspek ay kinilalang si Brgy. Capt. Nestor Arañador samantalang ang biktima naman ay si Eulogio Arañador.

Base sa imbestigasyon ng Dueñas PNP, ikinagalit umano ng suspek ang maingay ng videoke bar ng kapatid kung kaya’t kinumpronta niya ito at binaril.

Sa pagsusuri sa katawan ng biktima, nadiskubreng nataman ng bala ang baga nito sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Patuloy naman hinahanap ng pulisya ang barangay kapitan dahil tumakas na umano ito matapos mangyari ang krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply