Brgy. tanod, wanted, patay sa engkuwentro sa Sultan Kudarat

PATAY ang isang barangay tanod at isang wanted na lalaki makaraang manlaban sa mga pulis na aaresto sana sa kanya sa Sultan Kudarat.

Nabatid na tumakbo pa ang suspek na si Welhem Suganob dala ang kanyang kalibre .45 na baril, may kasong frustrated homicide. habang tinutugis ng awtoridad sa Brgy. Busok, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Sa likurang bahagi ng kanyang bahay ay nasalubong nito at binaril ang napagkamalang pulis na si Jerry Balacanta, isang barangay tanod na agad na binawian ng buhay makaraang tamaan ng bala sa ulo at mata.

Patay din ang suspek dahil sa engkwentrong nangyari habang sugatan naman ang isa pang pulis.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply