Comelec Chairman Brillantes lusot na sa CA

MAKARAAN ang dinaanang makipot na daan ay nakalusot na sa wakas sa Commission on Appointments (CA) si Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes.

Ilang beses ding naantala ang kumpirmasyon ni Brillantes bunsod ng pagtutol ni Sen. Alan Peter Cayetano dahil sa kuwestyunableng kredibilidad nito na pamunuan ang komisyon.

Pero sa pagdinig sa plenaryo ng CA kanina ay hindi na tumutol si Cayetano at sa halip nag-abstain ito sa kumpirmasyon ni Brillantes.

Pagbibigyan na lamang umano ng senador si Brillantes na gawin ang kanyang tungkulin at patunayang mali ang mga ipinupukol na alegasyon laban sa kanya.

Hindi na rin kinagat ng mga miyembro ng CA ang naging pagtutol ni dating Comelec Law Department head Atty. Ferdinand Rafanan sa kanyang boss.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply