Britanya naalarma na sa karahasan sa Mindanao

NANGANGAMBA na ang bansang Britanya dahil sa serye ng karahasan sa Mindanao.

Ayon kay British Ambassador Stephen Lilie, suportado niya ang pagbasura ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa “all-out war” laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na unang hinihiling ng mayorya.

Sa isang pahayag, sinabi ng British ambassador na hindi malulutas ang hidwaan kung sasalubungin ang kaharasan ng isa pang karahasan.

Ipinaliwanag ni Lilie, negosasyon ang kailangan at dapat tiyakin ng MILF sa publiko na committed ito sa peace process.

Ang United Kingdom (UK) ay isa sa apat na gobyerno sa International Contact Group na sumusuporta sa peace talks sa pagitan ng gobyerno at MILF.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply