Broken record

SA lapad ng baha na naranasan ng Luzon last week ay tinatayang ang dalawang bagyong dumating sa Pilipinas ay record-breaking.

Akalain ba naman ninyong magmula Metro Manila sa Southern Luzon hanggang sa Ilocos-Cagayan regions sa Northern Luzon ay walang humpay na baha ang ating dinanas.

Iyan ay dahil sa kapalpakan ng mga tauhan ng PAGASA, ang National Power Corp. at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Parang broken record na ang ating pamahalaan sa pag-justify sa mga kapalpakang iyan.

At parang broken record na rin ang paliwanag ng Palasyo tungkol sa kanilang promise na pagbubutihin na nila nang husto ang kanilang weather forecasting at disaster preparedness.

Hanga pa rin si President Noy sa PAGASA. Paano ba naman kasi, siya ang nag-appoint ng bagong chief weather forecaster, natural lamang na ipagtanggol niya ang kanyang mga tauhan.

Ganunpaman, nag-aalok siya ng isang rehabilitation plan para hindi na sana maging masyadong magastos sa ating mga mamamayan.

Ano ba ang rehabilitation plan na ito na pinag-usapan ng gabinete last Monday?

Ang diskusyon ay sumentro sa repair ng damaged roads, ang 100 percent resumption of power, availability of fuel in affected areas at concerns regarding agriculture and how to help farmers cope with their problems.

Kailangan pa ba ang isang malaking Cabinet meeting para pag-usapan ang pagkasalanta ng Luzon dahil sa bagyong Pedring at Quiel?

Lagi na lang may meeting ukol diyan subalit laging sa wala napupunta ang usapan.

Bakit ba tayo laging binabaha?  Bakit hindi yan ang dapat bigyang tugon ng ating Pangulo at kanyang mga Cabinet member na laging nawawala kung may sakuna sa Pinas?

Ano ba ang dapat na solusyon sa kalamidad dulot ng kalikasan?

Simple lang naman ang sagot diyan at simple rin ang solusyon pero nagtataingang kawali si PNoy at ang kanyang Cabinet: Dakpin ang mga salarin, lalo na ang mga illegal logger.

Pero si PNoy ay ayaw makarinig ng ganitong payo.

Siguro, naaawa siya sa mga illegal logger na mawawalan ng hanapbuhay.

Ayaw din niyang imbestigahan ang mga nangangasiwa ng ating killer dams, damn it.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply