Bubungan ng Union Bank sa QC tinungkab

ISINARA muna sa publiko ang isang sangay ng Union Bank sa Quezon City matapos itong pasukin ng hindi nakikilalang kalalakihan kaninang umaga (Oktubre 6).

Pero habang isinusulat ang balitang ito, selyado pa rin ang bibig ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) hinggil sa panloloob sa Union Bank na nasa kanto ng E. Rodriguez Avenue at Banaue Street.

Hindi pa rin matukoy ng pulisya kung sino ang may pakana ng panloob at hindi pa rin nila makumpirma kung may nakuhang pera sa naturang bangko dahil nagsasagawa pa ang mga empleyado ng bangko ng imbentaryo.

Sa ulat ng QCPD, nasa pagitan ng alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-7:30 ng umaga ikinasa ang panlooob sa bangko ng mga salarin na gumamit ng hagdanan para makasampa sa bubong at sinira ito.

Ayon sa mga residente sa paligid ng bangko, wala naman silang napansing kakaibang pangyayari kaya paniwala nila na sinimulang alisin ng mga salarin ang mga yero sa bubungan bago pa magliwanag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply