Sec. Abad, inireklamo ng CA retired justices

NAGHAIN na ng reklamo sa Supreme Court (SC) ang mga retiradong mahistrado ng Court of Appeals (CA) laban kay Budget Secretary Florencio “Butch” Abad.

Ayon kay Association of Retired CA Justices president Teodoro Regino, nabigo si Abad na maipagkaloob sa kanila ang mga benepisyo sa kabila ng umiiral na batas para sa mga retiradong mahistrado.

Batay sa limang pahinang reklamo, umaabot na sa 10 buwang benepisyo ang hindi napopondohan, maliban pa sa mga nakalipas na taon, habang wala rin silang nakuhang additional compensation allowance na nakapaloob sa Special Allowance for the Judiciary (SAJ).

Dahil dito, nais ng mga mahistrado na atasan ng kataas-taasang hukuman ang tanggapan ni Abad na ilabas ang Special Allotment Release Order (SARO) at ang Notice of Cash Allocation (NCA) na nakabatay umano sa Executive Order Nos. 611, 719 at 811.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply