Budol-Budol gang nasakote sa Sorsogon

NAHULI ang dalawang miyembro ng Budol-Budol gang na rumaraket sa lalawigan ng Sorsogon sa isang entrapment operation na isinagawa ng Sorsogon City PNP at CIDG.

Nakilala ang mga suspek na sina Benedicto Larida Genon, 45, residente ng Sanchez St., Malaybalay, Bukidnon at si Alexis Landicho Villafuerte, 48, residente ng Panacan, Davao City.

Nag-ugat ang pagkakasakote ng dalawa dahil sa sumbong ng biktimang si Arlene Sto. Tomas. Ayon kay Arlene hiningian umano siya ng halagang P50,000.00 kapalit ng isang gold bar. Subalit pagkatapos niyang magbigay ng naturang halaga, walang gold bar na naibigay ang dalawa sa kanya.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang pekeng gold bar at milyong pesong mga pekeng pera na ginagamit sa budol operation.

Kaagad namang nasampahan ng kaukulang kaso ang dalawa at patuloy pa ang ginagawang hot pursuit operation ng kapulisan sa iba pang miyembro ng naturang gang sa lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply