Buendia flyover ipinaulit sa contractor

IPINAKITA ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na seryoso ang ahensya laban sa mga proyekto na hindi maayos ang pagkakagawa at hindi pumasa sa quality control test.

Ipinaulit ng DPWH sa Tokwing Construction, ang kumpanyang nagsagawa ng rehabilitasyon ng Buendia flyover sa Makati City, ang asphalt overlay ng flyover na nagkaroon ng diperensya.

Natuklasan sa pagsusuri ng DPWH na nagkaroon ng pavement failures ang flyover ilang araw pa lamang simula ng buksan ito sa publiko.

Dahil dito, ipinag-utos ni Rogelio Singson, kalihim ng DPWH, sa contractor nito na bakbakin at palitan ng asphalt overlay ang flyover sa sariling bulsa o gastos ng Tokwing Construction.

Nagpakita naman ng pagtalima ang contractor sa kautusan na magsagawa ng pagpapalit ng asphalt overlay na nakatakdang simulan sa Oktubre 14 at inaasahang matatapos sa loob ng dalawang linggo depende sa kondisyon ng panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply