Buhangin ng Pinatubo ie-export sa Singapore

MAG-I-EXPORT ang Zambales ng buhangin na mula sa pagsabog ng Mt. Pinatubo sa Singapore.

Ito ang inihayag ni Zambales Governor Jun Ebdane matapos lumagda sa isang kontrata sa BlueMax Tradelink, Inc., isang Filipino company na may contact o counterpart sa Singapore, para ipahukay (dredging) ang Bucao River sa Botolan, Maculcol River sa San Felipe, at Sto. Tomas River sa San Marcelino.

Ang iaangkat na buhangin na mula sa Mt. Pinatubo ang bumabara sa waterways ng Zamabales at nagdudulot ng pagbaha sa halos lahat ng bayan doon tuwing tag-ulan.

Sinabi ni Ebdane na sisingilin ng provincial government ng P10 extraction fee bawat cubic meter ng buhangin na makokolekta mula sa dredging project.

“This translates to roughly P4 million in monthly revenue based on the contract which requires that 420,000 cubic meters of sand a month will be supplied to Singapore within the period of 18 months,” pahayag ni Ebdane.

Maliban sa extraction fee, ani Ebdane, ang local government units sa Zambales ay may oportunidad na kumolekta ng iba pang singillin at buwis tulad ng mineral tax at ore transport permit fee.

Ani Ebdane, mawiwiling mag-suplay ng buhangin sa Singapore ang Zambales dahil masosolusyunan na ang problema sa baradong local waterways ay kikita pa ang probinsiya.

Dagdag pa ni Ebdane: “We have so much sand from Pinatubo, and this has caused severe siltation of rivers and has often resulted to severe flooding in several towns and barangays.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply