Bulacan cop binaril ang kainuman

NASA “hot water” ngayon ang isang pulis sa Bulacan province nang barilin nito at mapatay ang kanyang kapitbahay habang nasa impluwensya ng alak sa Bulacan town.

Sasampahan ng kaukulang kaso ng San Miguel PNP sa korte ang suspek na nakilalang si PO2 Arcadio dela Cruz. Sumuko ito ilang oras matapos barilin ang biktimang si Francisco Garcia gamit ang kanyang service firearm.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-12:15 kaninang madaling-araw ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Bago ito, nabatid na kainuman ng suspek at ang biktima kasama ang ilang kaibigan pero nang makargahan na ng ilang litro ng alak ay naungkat ang matandang alitan ng dalawa.

Sa gitna ng pagtatalo, binaril ng suspek ang biktima ng anim na beses na ikinamatay agad nito.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang pinagugatan ng pagtatalo at ang isa sa kanilang nasisilip ay long-running feud.

Nakakulong na ngayon sa San Miguel PNP ang suspek na bukod sa kasong kriminal ay sasampahan pa rin ng kasong administratibo. Robert C. Ticzon

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply