Bulkang Bulusan nag-alburuto

NAKATAAS sa alert level 1 ang bulkang Bulusan matapos ang pagyanig na naitala sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, bukod sa pagyanig ay naglabas ng puting usok ang bulkang Bulusan sa bahagi ng timog-kanluran bahagi nito.

Kaugnay nito, ipinagbawal na ng Phivolcs ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa banta ng ash eruption.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang mga residente na naninirahan malapit sa mga ilog dahil sa banta ng pagragasa ng lahar sa sandaling bumuhos ang malakas na ulan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply