Bungo ng obrero biniyak ng kaaway sa Payatas

BASAG ang bungo ng isang obrero makaraang hatawin ng hindi nakilalang salarin sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Wala nang buhay nang madiskubre ng awtoridad ang bangkay ni Rommel Dogan, 33,  ng 66 Leyte St., Payatas B, QC.

Ayon sa ulat ni SPO3 Jun Mortel ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente dakong 4:00 ng madaling-araw kanina sa kahabaan ng Leyte St., Brgy. Payatas B, QC.

Isang nagdaraang tricycle driver ang nakadiskubre sa biktima na nakataob sa kalsada kung kaya agad niyang inireport sa mga miyembro ng BPSO sa lugar.

Ayon sa ilang resdente, naulinigan  na lamang nila na parang may nagtatalo bago nila nakita ang bangkay ng biktima.

Ayon sa mga pulis, maaaring atraso ang naging motibo ng salarin sa pamamaslang na gumamit ng matigas na bagay saka ipinampukpok sa ulo ng biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply