Buntis na miyembro ng sindikato sa ATM arestado

ISANG buntis ang naaresto na umano’y miyembro ng isang malaking sindikatong nambibiktima ng mga nagwi-withdraw sa automated teller machines (ATM) sa Quezon City.

Nabatid na nakuhanan ng CCTV camera si Joanna Encabo, 32, na aktong nambibiktima ng isang matandang babae na katatapos lamang mag-withdraw sa ATM sa Araneta Center sa Cubao.

Modus operandi ng grupo na lapitan ang bibiktimahin lalo na ang matatanda at sa oras na makapag-withdraw ay sasabihing may naiwan pa itong pera na hindi nakuha.

Dito na kukumbinsihin ng mga suspek ang nag-withdraw na bumalik sa ATM para magbalance inquiry at lingid sa kaalaman ng biktima ay nakuha na ang PIN code nito.

Nakumpiska mula kay Encabo ang 21 iba’t ibang ATM cards na pinaniniwalaang ginagamit sa kanilang operasyon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply