Buong bansa magiging maulan hanggang bukas

MAKARARANAS ng pag-ulan ang buong bansa hanggang bukas bagama’t nilinaw ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na walang bagyo.

Ang sama ng panahaon ay bunsod ng  panibagong namumuong Low Pressure Area (LPA) na mas pinag-iibayo naman ng Intertropical Convergence Zone.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary at PAGASA Officer-in-Charge (OIC) Graciano Yumul, epekto pa rin ito ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at ng Low Pressure Area (LPA) na nasa Hilagang Palawan na magdudulot ng pag-ulan sa buong Luzon at National Capital Region (NCR).

Bunga nito, muling nagpaalala si Yumul hinggil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa kaya kinakailangan ang masusing paghahanda at pag-iingat.

Huling namataan ng PAGASA ang naturang sama ng panahon sa layong 70 kilometro sa Timog ng Legazpi City.

Paliwanag ng PAGASA, malaki ang posibilidad na maging bagyo ang naturang LPA paglabas nito ng bansa sa Lunes.

Bunga nito, asahan na umano ang kalat-kalat na pag-ulan sa Katimugang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply