BURLESK KING (Puwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-68 labas

HINDI makapaniwala ang houseboy nang makita ang taglay na armas ng bulag.

“Hayop ang kargada mo, pare. Ngayon lang ako nakakita nang ganyan kalaki at kahaba. Hindi pangtao ang size na iyan,” aniya.

“Kaloob ito ng Diyos sa akin, Mang Ipe. Dahil dito kaya ako nagkaroon ng trabaho. Dapat ko itong ipagpasalamat,” sagot ni Jeremy.

“Okey! Maligo ka na dahil mamaya ay ihaharap kita kay Mam,” napapailing na sabi ng houseboy at humakbang na palabas ng banyo. “Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako.

Narito lang ako sa labas,” dugtong ng house-boy bago tuluyang lumabas.

Tumapat na si Joseph sa buhay na shower ….

Maya-maya’y kinapa ang sabon at nagsabon …

Kinapa rin ang shampoo at naglagay sa ulo …

Nagbanlaw …

Inulit niya ang pagsasabon at pagsa-shampoo …

Nagbanlaw ulit …

Natapos siyang maligo.

Kinapa naman niya ang kinaroroonan ng bath towel …

Kinuskos ang basang ulo saka pinahiran ang basang katawan bago ito ginawang tapis.

Saka pa lamang niya tinawag ang matandang houseboy.

“Tapos na ako, Mang Ipe. Lalabas na ako,” sabi ni Joseph.

Hangos siyang sinundo ng matandang lalaki sa loob ng banyo.

“Paano ito, Mang Ipe? Wala akong damit!” sabi ng bulag nang nasa kuwarto na sila.

“May gamit dito ang kapatid na lalaki ni Mam na sa US na nakatira. Iyon daw muna ang gagamitin mo habang hindi ka niya naipamimili ng mga damit mo,” sagot naman ng houseboy.

Kumuha ng damit at underwear si Mang Ipe sa closet.

Ipinasuot kay Joseph.

“Kasyang-kasya sa iyo. Mukhang pareho lang kayo ng size ng kapatid niya,” maya-maya’y sabi ng lalaki.

Nang nakabihis na, isinama na ni Mang Ipe ang bulag pababa ng bahay.

Naghihintay dito si Glenna.

“May lakad tayo ngayon, Joseph,” sabi ng mayamang dalaga.

“Saan tayo pupunta, Mam?” tanong ng bulag.

“Ayokong pagtagalin pa ang pangako ko sa iyo. Dadalhin kita sa eye clinic. Gusto kong makakita ka na sa lalong madaling panahon,” sagot ni Glenna.

“Hulog ka ng langit sa akin, Mam. Napakabuti mo,” sabi ni Joseph.

“Marunong lang akong tumupad sa aking pangako,” sagot naman ng dalaga.

Inakay na ni Mang Ipe ang bulag patungo sa nakaparadang kotse ni Glenna sa labas.

Sa front seat pinasakay katabi ng dalaga na siyang magmamaneho.

Ilang saglit pa at paalis na ang dalawa.

“May balita na ba kung ano ang nangyari sa anak mo, Joseph?” tanong ni Glenna habang sila ay nagmamaneho.

“Wala pa, mam!”

“Kapag nakita ng mga dati kong kasamahang pulis ang iyong asawa, malalaman natin kung nasaan si Angel,” sabi ni Glenna.

Nagtiim ang mga bagang ni Joseph.

“Wala siyang kuwentang asawa. Sana naman ay maging mabuti siyang ina,” pormal na sabi ng  bulag.

“Kapag nakakakita ka nang muli at hilingin niya sa iyo na magkabalikan kayong dalawa, papayag ka ba?” tanong pa ni Glenna.

“Imposibleng mangyari ang iniisip mo, mam. Hindi ko na siya matatanggap. Sa ginawa niyang pag-iwan sa aming mag-ina kung kailan kailangan namin siya, kinalimutan ko nang siya ang aking asawa,” gigil na sagot ng bulag.

Napangiti naman si Glenna.

Hindi niya maintindihan kung bakit natutuwa siya sa isinagot ni Joseph.

Hanggang sa makarating siya sa isang eye clinic …

Ipinarada ng dalaga sa isang tabi ang kotse …

Binuksan ang pintuan at inalalayan si Joseph sa paglabas …

Inakay hanggang sa pagpasok ng eye clinic. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply