BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-55 Labas

SA buwisit ay hindi na dinalaw ng antok si Glenna.

Hindi niya maatim ang bagong trabaho na pinasok ni Joseph.

Nasusulukasok siya sa kababuyan nang ganitong trabaho.

Noong nasa police force pa siya, maigting ang kampanya niya sa ganitong uri ng hanapbuhay.

Pero kahit ngayon na hindi na siya pulis, mainit pa rin siya sa ganitong uri ng kalaswaan.

Hinihingi yata ng pagkakataon na magtampo sa kanya ang bulag pero wala
siyang magagawa.

Sa mga sandaling iyon, gising na si Hazel.

Nagda-jogging ang babae.

Wala siyang problema kundi mapangalagaan ang taglay na kaseksihan na paboritong kalantariin ng mahilig na negosyante kapag sumasapit ang gabi.

Inspired palagi si Hazel …

Ano pa ba ang mahihiling niya ay sagana siya sa pera.

Nakatira sa magandang bahay at may magandang kotse.

Hindi niya alam kung ano ang mga negosyo ni Mr. Tirazona pero hindi na siya intresado pang malaman.

ISANG hapon, naisipan niyang mamasyal pero may kasamang bodyguard.

Ayaw siyang paalisin ni Mr. Tirazona nang walang kasama lalo na at wala siya sa bansa.

Nasa Hongkong siya at may pupuntahan kuno na business conference.

Isa lang ang kasama niya pero dating martial arts champion at magaling ding bumaril.

Basta’t mano-mano lang, kahit sampung lalaki ay kaya niyang walisin.

Okey lang kay Hazel na bantayan siya ni Bruce.

Bata pa ang lalaki …

Nasa early 30’s ang edad …

Bruskong-brusko ang dating at kahit hindi sobrang guwapo ay hindi naman pangit.

Malakas ang sex appeal …

Mas type pa nga niyang kasama si Bruce kaysa kay Mr. Tirazona.

Kapag ang huli kasi ang kanyang kasama, parang ang tatay niya ang kanyang kasama.

Pero kapag si Bruce, parang bf ang kasabay niya.

Nag-shopping si Hazel sa Trinoma tapos ay inayang kumain ang binatang bodyguard.

Habang kumakain, palihim na pinagmamasdan ng babae si Bruce.

Lihim siyang nagtilam-tilam sa lalaki.

Ang ganda kasi ng build ni Bruce …

Mataas na malaki ang katawan.

Sa hitsura nito, kahit hindi pa nakikita ay nasisiguro niyang malaki rin ang ‘flightless bird’ ng binata.

“May girlfriend ka na ba, Bruce?” tanong niya sa binata.

Marahang umiling ang lalaki.

“Pero nagka-girlfriend ka na?”

Muli ay umiling ang binata.

“Sa edad mong iyan, hindi ka pa nagkaka-girlfriend?” hindi makapaniwalang tanong ni Haze.

Tumango ang lalaki.

Napangiti ang babae.

“Gusto mo bang palabasin na virgin ka pa?” malandi niyang tanong.

Napatitig sa kanya si Bruce.

“Pihikan kasi ako sa babae kaya ayokong makipagrelasyon. Gusto kong magkaroon ng kaugnayan sa babae na handa kong mahalin,” maya-maya’y sabi ng binata.

“Hindi naman porke nagkaroon ka ng contact sa isang babae, sosyotain mo na siya. Palipas oras lang kumbaga. Para makapaglinis tubo. Ang baril kasi kapag hindi ginamit, kinakalawang. May time na uumido rin ang bala. Baka malipasan ka ng seks, Bruce,” pabirong sabi ni Hazel.

“Wala akong time. May trabaho ako. At iyon ay ang bantayan ka!” pormal na sagot ng lalaki.

“Nasa malayo ang amo mo, Bruce. May kasabihan tayo na kapag wala ang pusa, puwedeng maglaro ang mga daga,” malanding sabi nig babae.

“A-Ano ang ibig mong sabihin, Mam?” nakamaang na tanong ng binata.

Sa halip na sumagot, inilabas ni Hazel ang mahabang dila.

Inihagod paikot sa kanyang kissable lips.

Biglang napalunok ng tuyo ni Bruce.

Madali niyang nahulaan ang inaarte ng babae …

Tinutukso siyang magkasala. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply