BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-56 labas

MATINDI ang loyalty ni Bruce kay Mr. Tirazona at subok na siya nito kaya pinagkakatiwalaan nang husto.

Handa niyang ibigay ang kanyang buhay para sa ka-ligtasan ng amo.

Pero sa harap ng mapa-nuksong alindog ni Hazel ay mukhang masisira ang katapatan niya kay Mr. Tirazona.

“Hindi ka ba natatakot sa maaaring gawin sa atin ng asawa mo oras na malaman niya na pinagtataksilan natin siya?” tanong ni Bruce habang walang kurap na nakatingin sa babae.

“Wala siyang malalaman kung hindi ka magsusumbong. Pati ba naman personal mong buhay, ikukuwento mo sa kanya bilang pagpapakita ng iyong katapatan?” nakangiting tanong ni Hazel.

“Hindi!” mabilis namang tugon ng lalaki.

“So, what’s the problem?” nakangiting tanong ni Hazel.

Hindi umimik si Bruce.

Malanding umismid ang babae.

“Kapag dinedma mo ang beauty ko, para kang hindi lalaki!” aniya.

Hindi umimik si Bruce …

Matamang nag-iisip …

Mahabang panahon na ring tahimik ang kanyang baril…

Baka kinakalawang na …

Napapanahon na nga para siya maglinis tubo.

Bukod dito, parang hindi niya maiiwasan ang panunukso ni Hazel. Nabuhay na nito ang kanyang pagnanasa …

Gising na gising na.

Natapos silang kumain …

Ilang saglit pa at paalis na sila. Diretso sila sa carpark.

Sumakay sila sa kotse ni Hazel.

Si Bruce ang nagmaneho.

Dapat ay pumuwesto si Hazel sa backseat pero pinili niyang maupo sa tabi ng bodyguard.

“Uuwi na ba tayo?” tanong ng una.

“Kung ayaw mong makatikim ng masarap, di umuwi na tayo!” irap ng babae.

Hindi umimik si Bruce.

Itinuloy ang pagmamaneho.

Nagulat si Hazel nang biglang ipasok ng bodyguard ang kotse sa nadaanang compound ng isang motel.

“Hindi ka natatakot sa amo mo?” tanong ng babae.

“Kung hindi ka natatakot sa asawa mo, ako pa!” sagot naman ni Bruce.

“That’s the man!” masayang sabi ni Hazel.

Mabilis ang sumunod na pangyayari.

Ilang saglit pa at nasa loob na sila ng isang maganda, malamig at mabangong silid.

Tahimik ang bodyguard…

Anyong binubulabog pa rin ng guilty feeling.

Pero hindi papayagan ni Hazel na magbago pa ang kanyang pasiya.

Nagsimulang maghubad na ang babae ….

Walang itinirang saplot sa magandang hubog ng kanyang katawan.

Kumislap ang makinis na kutis ng babae …

Naramdaman ng lalaki ang biglang pagsilakbo ng kanyang dugo.

Kasabay nito, may kumislot sa loob ng kanyang pundilyo.

“Huwag mong pahirapan ang iyong sarili, Bruce. Sundin mo ang idinidikta ng iyong isipan. Pagbigyan mo ang hilig ng iyong katawan,” malanding sabi ng babae saka paseksing sumampa na sa kama.

Nakabuyangyang ang taglay na alindog …

Sinadyang ipasilip sa binata ang daan patungo sa langit habang hinayaang magmura ang malulusog na boobs na lalong nagpasidhi sa pananabik ng bodyguard.

Hindi na nakapagpigil pa si Bruce …

Hangos na naghubad na rin ng suot na damit …

May napatunayan si Hazel. Kung gaano kamacho ang kanyang katawan, ganoon din kakisig ang kanyang pagkalalaki.

Tigasin ang dating …

Pang-marathon …

At ganitong porma ang gustong-gusto ng malanding babae. ‘Yung kaya siyang lunurin sa ligaya sa buong magdamag.

“Come on, lover boy and let’s play the game,” malanding sabi ni Hazel.

Walang imik na biglang sumampa sa kama si Bruce.

Mukhang masipag si Bruce pero silent worker. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply