BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin) Ika-57 labas

“HUWAG mo nang ipaalala sa akin ang taksil kong asawa. Lalo lamang lumalaki ang problema ko,” sabi ni Joseph kay Dondon.

“Sorry!” mabilis namang paghingi ng paumanhin ng alalay.

Tumahimik na ang una pero nag-iisip. Ang laman ng isipan, ang misis ni Joseph.

Nakita na niya ito …

Maganda, seksi at mukhang mainit sa kama.

Sa ganda nito, marami ang magkakagusto.

At baka sa pagkakataong ito, naibahay na siya ng isang matandang mayaman na mahilig sa laman.

Tama si Dondon.

Pero sa mga sandaling ito, hindi ang kinakasama ang nagtatampisaw sa kandungan ni Hazel kundi ang makisig na bodyguard.

Magaling na si Bruce …

Nagmumura na sa ligaya ang babae …

Hindi na makayanan ang sarap na nagsusumiksik sa kanyang siwang …

“HAYOP KA, BRUCE! MAS MAGALING KA SA AMO MO! IKAW NA ANG GUSTO KONG MAGPALIGAYA SA AKIN AT HINDI SIYA!” sabi ni Hazel.

Malinaw na naririnig ng bodyguard ang kanyang sinasabi pero alam niya na hindi puwede ang gustong mang-yari ng babae.

Papatayin siya ni Mr. Tirazona. Nag-alis sabik lang siya. Naglinis tubo sa lungga ng babae.

Naliligo sa pawis at hindi makausap si Hazel nang tigilan siya ng bodyguard.

Tahimik din si Bruce pero abot-abot ang hingal.

Aminado siya na nag-enjoy siya nang husto sa ginawang pagtatampisaw sa babae ng kanyang amo.

Ngayon lang siya lumigaya nang ganito.

Ang sarap …

May seks pala na ganito kasarap at sa kandungan lang ni Hazel niya natikman.

Hindi tuloy maipangako sa sarili kung hanggang tikim lang ang ginawa niya sa babae.

SA mga sandaling iyon, nakarating na sa gaybar sina Joseph at Dondon.

Dahil maaga pa, wala pa si Mr. Ching sa kanyang opisina.

Mahigit dalawang oras din bago dumating ang amo.

Nagulat pero natuwa ang Intsik nang makitang maagang pumasok ang bulag na macho dancer.

“Ayos iyan, Joseph. Hindi mabibitin ang mga kostumer natin,” masaya niyang sabi.

“May kailangang daw siya sa iyo kaya maagap pu-masok, Boss,” sabi ni Dondon kay Mr. Ching.

“Ganun ba? Sige, hatid mo siya sa opisina ko. Doon kami mag-uusap,” aniya at nauna nang magtungo sa kanyang private.

Inakay ni Dondon ang bulag na dancer patungo sa opi-sina ng Intsik na amo.

“Goodluck na lang sa pakikipag-usap mo kay Mr. Ching. Sana ay pagbigyan niya ang hiling mo, pare,” sabi ng alalay habang papasok sa private office ng kanilang amo.

Hanggang sa pag-upo sa harap ng mesa ay inalalayan ni Dondon ang bulag tapos ay lumabas na siya.

“Alam ko na pera ang kailangan mo, Joseph. Pambayad ba sa bahay, badyet, pambili ng gamit? Sabihin mo lang. Ako bigay sa iyo,” mabilis na sabi ng intsik sa bulag na macho dancer nang mapagsolo sila.

“Malaki ang perang kailangan ko, Mr. Ching,” pormal na sabi ni Joseph.

“M-Malaki? Saan mo ba gagamitin?” nakamaang na tanong ng intsik.

“Gusto ko na hong ipaopera ang mga mata ko!”

Natigilan si Mr. Ching.

Milyon ang pera na kailangan ni Joseph.

Mayaman siya… kung gugustuhin niya ay puwede niyang tulungan ang bulag.

Pero baka maapektuhan ang show kapag nagtrabaho ang una na nakakakita na.

Baka lumiit ang kita ng kanyang beerhouse.

Kailangang protektahan niya ang kanyang negosyo at hindi ang kapakanan ng nagtatrabaho sa kanya.

Nasa labas si Dondon at nagsisigarilyo nang lumapit ang isang waiter.

“Sabi ni Mr. Ching, sundu-in mo na raw si Joseph sa office niya,” sabi nito.
Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply