BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-58

MABILIS na humangos si Dondon sa opisina ng among intsik.

Sinundo si Joseph at inakay palabas.

“Ano ang nangyari sa lakad mo?” tanong ng una sa bulag habang palayo sila sa opisina ni Mr. Ching.

“Wala! Hindi niya ako pinagbigyan. Ang dami niyang dahilan!” malungkot na sagot ni Joseph.

“Sinasabi ko na. Kahit puwede ka niyang pautangin, hindi ka niya bibigyan. Alam mo kung bakit?” sagot ni Dondon.

“Bakit?”

“Dahil asset niya ang pagiging bulag mo. Diyan siya nagkakamal ng pera!”

Malungkot na napabuntong-hininga si Joseph.

“Puwede naman akong magsayaw kahit hindi bulag. At puwede akong umarte na bulag habang nagsasayaw. Wala siyang kuwentang amo. Sarili lang niya ang kanyang iniintindi,” masaya ang loob na sabi ng una.

“Tama! Maganda ngang layasan ang kumag na iyon. Pero kung aalis tayo, saan naman tayo pupunta?” sagot ni Dondon.

Hindi nakasagot ni Joseph …

Kung hindi alam ng alalay kung saan sila lilipat gayung nakakakita, siya pa ba na isang bulag.

“Wala siguro akong magagawa kundi mag-ipon na lang ng pera. Kapag nakaipon, saka na lang ako magpapaopera ng mga mata,” sabi ng una.

“Matagal iyon. Ibig sabihin, matatagalan bago mo mahanap ang iyong anak na si Angel.”

Natigilan si Joseph.

“Kung bakit kasi may nag-aalok sa iyo ng pera para pampaopera ng iyong mga mata pero ayaw mong tanggapin,” sisi ni Dondon.

Hindi umimik ang bulag.

“Alam mo, napakasuwerte mo dahil ang bait-bait sa iyo ni Glenna. At kung makikita mo lang siya, tiyak na hahanga ka!” patuloy ng alalay.

Napaangat ang ulo ni Joseph.

“Ala-Francine Prieto ang porma niya noong bagong pasok sa showbiz. Ang lakas ng dating. Disente pero nakalilibog. Ang sarap ikama ng gagang iyon!” kilig na sabi ni Dondon.

Hindi umimik si Joseph.

Natikman na niya si Glenna at nag-enjoy naman siya.

Pero hindi masabing ganap ang kanyang ligaya dahil hindi niya nakikita ang dalaga.

“Kailangang mmaging praktikal ka, pare. Kalimutan mo na iyang pride. Hindi naman nakakain iyan tulad ng fried chicken. Patulan mo na ang alok ni Glenna. Sinasabi ko sa iyo, hindi ka magsisisi oras na makita mo kung gaano siya kaganda,” patuloy ni Dondon.

“Pag-iisipan ko ang sinabi mo,” sagot ni Joseph.

Dahil maagap pa, isinama ng alalay ang bulag sa kalapit na restoran upang dito maghapunan.

Tuloy ang kanilang kuwentuhan.

“Sabi ni Mr. Ching, iba na raw ang makaka-partner ko sa Toro show mamaya.

Sino kaya?” tanong ni Joseph.

“Hindi ko kilala pero alam ko kung ano’ng klaseng babae ang makaka-partner mo mamaya,” sagot ni Dondon.

“A-Ano?”

“Virgin!”

“Mahirap yata iyon!” sabi ng bulag na macho dancer, torero pa.

“Talaga! Sa laki ng alaga mo, umaatikabong arayan ang tiyak na mangyayari mamaya.”

“Bakit ba kailangang virgin ang ipartner sa akin? ‘Yun ngang hindi na donselya, nagrereklamo sa kargada ko. Virgin pa ba ang hindi?”

“Sadista kaya iyang si Mr. Ching. Mas madugo ang palabas, mas maganda raw.
Tiyak na mag-eenjoy ang mga manonood.”

Hindi umimik si Joseph.

“Pero sa totoo lang, ang suwerter mo, pare,” patuloy ni Dondon.

“Bakit ka naman naiinggit sa akin ay bulag ako?”

“Iyon na nga, e! Kahit bulag ka, nakakatikim ka ng magagandang babae.
Samantalang ako na nakakakita, kahit pangit ay bihirang makatikim!”

Hindi naiwasang mapangiti ni Joseph dahil sa sinabi ni Dondon. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply