BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-66 Labas

NAKITA ni Alan ang bulag na macho dancer na nakaupo sa isang tabi.

Katabi niya si Dondon.

Mabilis na nilapitan ng bading ang una.

“Wala kang kadala-dala, Joseph,” sabi ni Alan. “Nahuli ka na sa pagsasayaw nang hubo’t hubad, ngayon naman pati pagto-toro ay pinasok mo,” pailing-iling na sabi ng bakla.

“I-Ikaw ba iyan, Alan?” mabilis na sagot ng bading nang makilala ang boses ng kausap.

“Sino pa ba sa akala mo?”

“Bakit ka naririto?”

“Alam mo naman na dakilang tagasunod lang ang traba-ho ko. Pinapunta ako rito ni Glenna,” sagot ni Alan.

“Alam na niya ang nangyari sa akin?”

“Siya pa! Dating pulis iyon at may kontak sa mga dating kasamahan. Alam niya ang operasyon ng kaniyang mga kasamahan laban sa inyong pinagtatrabahuhan!”

Malalim na napabuntong hininga ang bulag.

“Nakakahiya na sa kanya!”

“Kung nahihiya ka, di pumayag ka na sa gusto niyang mangyari!”

“Na ano?”

“Na ipaopera ang iyong mga mata. Hindi mo ba alam na malaki na ang utang mo sa kanya? At nakatakda na naman iyong madagdagan dahil magbabayad siya ng piyansa para makalaya ka!” sagot ng bading.

Hindi kumibo si Joseph.

“Huwag ka ng maarte. Sa palagay ko, dapat ka nang pumayag sa gustong mangyari ng dating pulis na iyon,” sabi ni Dondon. “Kung ganitong palagi tayong nahuhuli, aabutin ka ng siyam-siyam bago mai-paopera ang iyong mga mata sa pamamagitan ng sariling kita.”

Hindi pa rin nagsalita ang bulag.

“Alalahanin mo, habang nagtatagal kang bulag, mahihirapan kang mabawi ang iyong anak.

Kailangang personal na pangunahan mo ang paghahanap sa kanya. Pero paano mo siya makikita kung balag ka?” patuloy ni Dondon.

Sa puntong ito, biglang nagdesisyon si Joseph.

“Pakisabi kay Glenna, payag na ako sa gusto niya. At oras na ako ay makakita, lahat ng gusto niya ay susundin ko para makabayad ako ng utang na loob sa kanya,” sabi ng bulag na macho dancer.

Hindi nagsalita si Alan.

Dinukot ang kanyang cellphone sa bag.

Tinawagan ang mayamang dalaga.

“Payag na si Joseph na ipaopera ang kanyang mga mata sa pamamagitan ng iyong tulong,” aniya.

Maya-maya’y hinarap ni Alan ang bulag.

“Wait ka lang diyan. Aayusin ko lang ang piyansa mo para makalaya ka!” paalam ng bading.

“Paano ako?” habol ni Dondon.

“Si Joseph lang ang pinapipiyansahan ni Glenna. Don’t worry dahil makakalabas ka rin dito.

Mayaman ang Intsik na amo mo. Siya ang magpipiyansa sa iyo,” sagot naman ni Alan.

Tuloy-tuloy nang umalis ang bading.

May dalawang oras din siyang nawala.

Nakangiti ito nang bumalik.

“Ayos na ang lahat! Puwede ka nang lumabas, Joseph, sabi ng bading.

Tumayo ang bulag.

“Ano ba iyan? Jacket lang ang nakatakip sa ‘ano’ mo tapos ay wala kang brief. Baka matukso ako sa iyo,” malagkit ang tinging sabi ni Alan kay Joseph.

“Oras na pakialaman mo ako, isusumbong kita kay Glenna,” banta naman ng bulag.

“Kung pakikialaman man kita, hanggang tingin lang iyon. Hindi kita gagalawin. Takot ko lang na mabaril ni Glenna,” biglang bawi ni Alan.

Natawa tuloy si Dondon.

Ilang saglit pa at paalis na sila.

“Pare, dalawin mo naman ako kapag nakakakita ka na,” habol ng waiter.

“Puwede! Pero paano kita makikilala kapag nakakakita na ako ay bulag ako nang tayo ay magkakilala?” sagot na-man ni Joseph.

“Magpasama ka kay Alan!” sabi ni Dondon.

“Magkano?” nakairap na sabad ng bading sa kanilang usapan. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply