BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-67 labas

ISINAMA na ni Alan si Joseph.

Dadalhin niya ang bulag na macho dancer sa bahay ni Glenna.

Tumawag siya sa dala-gang amo habang sila ay nag-bibiyahe lulan ng kanyang kotse.

“On the way na ako. Na-piyansahan ko na ang man of your dream. Kasama ko na siya patungo riyan. At payag na raw siya na ipaopera ang kanyang mga mata sa tulong mo,” sabi niya.

“Good decision!” sagot naman ng dalaga.

Saglit lang ang naging pag-uusap ng dalawa.

Inasikaso na ni Alan ang pagmamaneho hanggang sa makarating siya sa malapalas-yong tahanan nina Glenna.

“N-Nasaan na tayo?” ta-nong ni Joseph nang bumaba sa kotse ni Alan.

“Narito na tayo sa palasyo ni Glenna,” sagot naman ng bading habang inaalalayan ang una papasok sa pintuan.

Nasa salas ang dalaga at nakaupo sa sofa na naghihin-tay sa kanilang pagdating.

“Bakit ganyan ang ayos ni Joseph?” takang tanong ng dalaga nang makitang natatakpan lang ng jacket ang ibabang parte ng katawan.

“Ano naman ang inaasahan mong magiging ayos niya ay kahuhuli lang niya sa raid?” sagot ni Alan.

“M-Magandang araw sa iyo, Glenna,” bati ni Joseph sa dalaga na hindi nakikita.

“Good morning din,” sagot naman ng dalaga.

“Kung wala ka nang iuutos, puwede na ba akong umalis?” tanong ni Alan sa babaeng amo.

“You can go!” sagot naman n Glenna.

“Bye! Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka sa akin,” sabi ng bading at umalis na.

Naiwan ang dalaga at si Joseph.

“Simula sa araw na ito hangga’t hindi ka pa nakakakita ay dito ka muna titira,” sabi ng
babae sa bulag na macho dancer.

“Sunud-sunuran na lang ako sa gusto mong mangyari, Glenna,” sagot naman ng lalaki.

Hinawakan ng babae sa kamay si Joseph.

“Halika! Sasamahan kita sa iyong magiging kuwarto,” sabi ng dalaga at hinawakan sa isang kamay ang bulag na macho dancer patungo sa hagdanan.

Ilang saglit pa at paakyat na sila.

Dinala ng dalaga sa isang magandang silid si Joseph.

“Magiging komportable ka rito. Malaki ang iyong kama at may sarili kang banyo,” sabi ng dalaga.

Hindi malaman ng huli kung paano kikilos.

Hindi kasi niya kabisado ang lugar.

Naiintindihan ni Glenna ang lalaki.

Gusto niyang siya na ang umalalay kay Joseph pero naaalangan naman siyang maging caregiver
ni Joseph.

Tinawag niya ang isa niyang houseboy na si Mang Ipe.

“Mula ngayon, ang magiging trabaho mo ay alalayan si Joseph sa pagkilos hangga’t hindi naooperahan ang kani-yang mga mata,” utos ng dalaga.

“Opo, Mam. Ako na ang bahala sa kanya!” mabilis namang sagot ng houseboy.

“Kung ano ang gusto niyang gawin, alalayan mo siya,” sabi pa ni Glenna bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Nang wala na ang dalaga, kinausap ni Mang Ipe si Joseph.

“Ano ba ang gusto mong gawin, iho? Huwag kang mahiya. Sabihin mo sa akin!” aniya.

“Kanina pa ho ako naiinitan. Gusto ko hong maligo!” sagot naman ng bulag na macho dancer.

Inakay ni Mang Ipe si Joseph papasok sa banyo.

Giniyahan kung saan nakalagay ang sabon, shampoo at kung nasaang parte ang shower.

Itinuro rin niya sa bulag kung saang direksiyon nakalagay ang bath towel na gagamitin niya pagkatapos maligo.

May problema si Joseph… Wala siyang underwear at damit na isusuot.

“Sige, maligo ka na at sasabihin ko kay Mam ang iyong problema,” sabi ni Mang Ipe.

Dahil sa sinabi ni Joseph, biglang inalis ng bulag ang jacket na nakatapis sa kanyang bewang.

Nanlaki ang mga mata ng houseboy sa nakita.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply