1 patay, 27 sugatan sa karambola ng bus at dump truck

PATAY ang drayber ng bus nang salpukin nito ang nakaparadang dump truck na puno ng buhangin malapit sa isang construction site sa Quezon Avenue sa lungsod ng Quezon kaninang 2:15 ng madaling araw, Oktubre 21.

Naipit ang katawan ng drayber na si Arturo Albaladejo, 27 sa manibela ng kanyang minamanehong Malanday Metroline bus na may plakang TVW-861.

Dinala naman ang mga pasahero ng bus na sugatan sa East Avenue Medical Center at ang iba naman ay dinala sa Quezon City General Hospital.

Sinisisi ng mga pasahero ng bus ang kawalan ng early warning device sa nakaparadang dump truck na may plakang CNS-675.

Ayon naman sa drayber ng trak na si Alfredo Apostol, naka-hazard umano ang kanyang trak at ang pahinante niya ay nagsisignal na iwasan ang kanilang nakaparadang sasakyan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply