Bus na magpapalabas ng x-rated lagot

MAGING sa mismong araw ng Undas ay magiging abala ang mga tauhan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pag-iinspeksiyon sa mga Buses na bumibiyahe sa mga malalayong probinsya upang masiguro na hindi nagpapalabas ang mga ito ng mga malalaswang panoorin habang nasa biyahe.

Dahil dito binalaan ni MTRCB chairperson Grace Llamanzares ang bus operators na pagmumultahin ng P10,000 hanggang  P20,000 o kaya’y mahaharap sa kanselasyon ng kanilang mga prangkisa sakaling mahuhuling muli.

Inaalam din ng  MTRCB teams kung ang movie discs ng mga buses na ginagamit ay hindi pirated, at nakatakda silang maglalagay ng mga secret agents sa mga buses na magtutungo sa mga probinsiya ngayong Undas .

Ayon pa kay Llamanzares, nakakatanggap sila ng reklamo mula sa mga pasahero na nagsasabing may buses galing probinsiya ang nagpapalabas ng mga x-rated na pelikula habang bumibiyahe.

Nilinaw ng MTRCB na wala silang sasantuhin dahil inaasahan na  karamihan aniya sa mga pasahero ay mga bata na hindi dapat nakakapanood ng malalaswang pelikula.

Pinalalahanan din ng MTRCB ang mga bus operators na magpalabas ng mga pelikula na pawang rated “G” (general patronage) o “PG” (parental guidance).

Kamakailan lamang ay lumagda sa isang kasunduan sina MTRCB Chief   Llamanzares at Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman Jaime Jacob para matutukan ang mga inilalabas na pelikula ng mga buses at maparusahan ang mga lalabag sa batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply