Bus natangay ni Quiel

TILA hinangin na parang saranggola ang isang Victory Bus Liner at napunta ito sa isang palayan sa Luna, Isabela.

Sakay ng naturang bus ang 48 na pasahero at masuwerte itong walang namatay.

Kuwento ng conductor ng bus na si Rey Adel, paliko umano sila sa junction ng Luna ngunit sa lakas ng hangin imbes na kumanan ito ay lumiko ng kaliwa at tuluyang nawalan ng kontrol ang kanyang drayber.

Kaagad naman umaksiyon ang Rescue 922 ng Cauayan City at ang mga kapulisan at puwersahang binuksan ang pintuan ng bus para makalabas ang mga na-trap na mga pasahero.

Dinala na sa pinakamalapit na pagamutan ang ilang mga nasaktan sa naturang aksidente.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply