Bus sumalpok sa dump truck, 11 Tsino sugatan

MALUBHANG nasugatan ang 11 Chinese national matapos na bumangga ang sinasakyan nilang tourist bus sa isang dump truck sa lalawigan ng Aklan, base sa ulat ng pulisya ngayon.

Ayon kay PNP Spokesman, P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., naganap ang aksidente bandang alas-6:30 ng umaga sa Barangay Habana, Nabas, Aklan.

Sa inisyal na report sumalpok ang Island Tour Bus na minamaneho ng isang Filipino sa isang trak ng basura na ikinasugat ng mga Chinese.

Agad na isinugod sa Baptist Hospital sa Caticlan, bayan ng Malay sa Aklan ang mga sugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply