Bus vs bike: Sekyu todas, kasamahan sugatan

DEDO ang isang security guard habang sugatan naman ang angkas nitong lady guard matapos mabundol ng isang pampasaherong bus ang sinasakyang bisikleta sa Caloocan City kaninang umaga.

Dead on arrival sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital si Benidict De Mesa, 25, nakatira sa 11th Avenue ng nabanggit na siyudad.

Nilalapatan naman ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang kasama nitong si Margie Brinzuela, 21, nakatira rin sa nabanggit na lugar, na nagtamo ng mga sugat, galos at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos itong tumilapon.

Nasa kostudiya naman ng Caloocan City Police Traffic Enforcement Unit ang drayber ng pampasaherong bus na si Teodulfo Ceniza Jr., 41, taga-Barangay Pulong Bungangin, Santa Maria, Bulacan, na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injury.

Sa pagsisiyasat ni SP02 Virgilio Menina, naganap ang insidente dakong alas-5:15 ng umaga sa intersection ng 10th Avenue at B. Serrano St., Caloocan City.

Minamaneho ni Ceniza ang isang pampasaherong bus (TYF-815) na pag-aari ng Jonna Jesh Transport Corporation, biyaheng Taguig City-Navotas, at habang binabagtas at papatawid sa nabanggit na lugar ay napansin ni Ceniza ang pagsulpot ng isang mountain bike na sinasakyan ng dalawang biktima.

Huli na bago nakontrol ni Ceniza ang preno dahil nahagip na nito ang magkaangkas na mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply