Butt ni JC de Vera pinag-iinitan ni Zoren

DAHIL sa hindi magkatugma-tugma ang schedule nina Michelle Madrigal, JC de Vera at Zoren Legaspi, matatagalan pa bago masimulan ang pelikulang kanilang pagsasamahan na ididirek ni Zoren Legaspi.

Sabi ng mister ni Carmina, sobrang busy raw ngayon ang napili niyang maging bida sa kanyang first directorial job. May script na raw sana pero schedules nina Michelle at JC ang problema.

“Pero in fairness kay Michelle, nakikipag-communicate siya sa amin. Nagsu-sorry siya dahil sa delay.

Hindi ko naman siya masisi dahil may drama series siya sa GMA-7. Pero nakapag-ensayo na siya ng sayaw na gagawin niya sa pelikula. Ang kulang na lang ay ang rumolyo ang kamera.

“Willing naman akong maghintay. Hindi rin naman ako nagmamadali kasi may drama series rin akong ginagawa sa TV5 na “Glamorosa.” Ang magiging problema naman ay kapag si Michelle or si JC ang ready, ako naman ang baka hindi puwede. Kaya kailangan magkausap kaming lahat,” say ni Zoren.

Sexy ang tema ng pelikulang ididirek ni Zoren at gusto niya ay kakaiba ang gagawing eksena nina Michelle at JC. Tulad na lang ni JC, gusto ni Zoren na magkaroon ito ng butt exposure.

“Noong una naman kaming mag-usap about the project, wala sa story yung butt exposure. Eh, noong mag-revise kami nagkaroon na. Eh, very essential yung scene na yun sa story. Hindi lang kasi isa kundi dalawang butt exposure`yon for JC.

“Gusto ko malaman kung kaya ba niya? Kasi gagawin naman naming artistic ang shot. Hindi naman ito basta nagpakita lang si JC ng butt. Kaya I want to dare him sa eksenang yun.

“Ang kinatatakot ko lang ay baka magalit naman si Tita Annabelle (Rama) sa akin. Baka isipin niya pinag-iinitan ko ang puwet ni JC. Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Zoren.

Pero maging si Michelle rin daw ay may mga daring scene rin sa movie.

“Siyempre may mga breast exposures rin kaming naiisip. Hanggang doon lang at walang mga frontal nudity. Kailangan ko ring kausapin si Michelle kung hanggang saan ba ang kaya niyang magpakita ng kaseksihan?

“Sa hitsura kasi ni Michelle, malakas ang dating niya na animalistic ang aura. Kaya kung kakayanin niya ang mga sexy scenes tulad ng breast exposure that would be different. Ang goal naman namin sa project na ito is to make a difference. Yung magkakaroon ng malaking impact sa mga manonood,” pagtatapos ni Zoren.

***

NAIKUWETO ni Ogie Alcasid sa press launch ng bago niyang series sa GMA-7, ang “Daldalita,” na nagkaroon ng baby shower para sa baby nila ni Regine Velasquez last Wednesday na plinano ng mga kaibigang babae at bading ang okasyon kaya hindi niya alam ang mga nangyari at naganap.

Nasa press launch kasi siya ng Daldalita kaya makikibalita na lang siya ng mga naganap at nangyari sa baby shower ng baby.

“Ang alam ko marami siyang natanggap na mga gamit para sa baby namin. Makatitipid na kami,” natatawang pahayag ni Ogie.

Sa susunod na buwan, nakatakda nang isilang ni Regine ang first baby nila at excited na si Ogie dahil hinanda na nila ang lahat.

Sabi pa ng lead actor ng Daldalita, present siya sa mismong delivery room dahil siya ang magka-cut ng umbilical cord ng kanilang baby boy na pinangalanan na nilang Nathaniel James.

“But of course, hindi ako mawawala sa araw na iyon. I`ve done it twice before noong ipinanganak sina Leila at Sarah. Gusto kong maging part ng moment na ng aking magiging anak,” say pa niya.

Sinabi pa ni Ogie nabawasan na raw ang pagiging emotional at insecure ni Regine dahil sa pagbubuntis.

Masaya rin si Ogie na sa bagong serye nila ay makakasama niya si Jillian Ward na isang bibo at matalinong bata.

“Masarap kasama si Jillian. Walang dull moment kapag kasama mo siya. Ang super daldal kaya bagay na bagay sa kanya ang role na Daldalita. Ang sarap din ng pakiramdam ko kapag tinatawag niya akong Papa,” tsika pa ni Ogie sa press launch ng TV series na magsisimula nang umere ngayong gabi (October 17) sa GMA 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply