Cainta, Pasig, Marikina mawawalan ng tubig

NAG-ANUNSIYO na ang Manila Water na mag-imbak na ng sapat na tubig ang mga nakatira sa Cainta, Pasig at Marikina dahil pansamantalang mawawalan ng suplay na tubig bunsod ng decloging at upgrading ng kanilang mga pasilidad.

Mawawalan ng tubig bandang 10:00 ng gabi ng Huwebes hanggang 2:00 ng umaga ng Biyernes kung saan maapektuhan nito ang Cainta.

Nakatakda naman mawalan ng tubig ang Marikina City simula 10:00 ng gabi ng Huwebes hanggang 3:00 ng umaga ng Biyernes.

Samantala, mawawalan ng supply ng tubig sa Pasig City simula 11:00 ng gabi ng Huwebes at matatapos ito hanggang 4:00 ng umaga ng Biyernes.

“Manila Water Company is advising all residents of the said areas to store enough water to supply their needs during the interruption period,” ayon sa pahayag ng Manila Water.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply