Calderon, Oconer agawan sa liderato ng LBC Ronda

NAKAAMBANG mabago ang line-up sa top standings ng Stage 9 ng LBC Ronda Pilipinas kung saan sisikaping matiyak na mapanatili nina Novo Ecijano Joel Calderon at ni George Oconer ang pangunguna sa pagsisimula ng mapanghamong 181.4 kilometrong akyatan sa bulubundukin na magmumula sa Vigan, Ilocos Sur hanggang sa Benguet Mountain Province bukas (Oktubre 7).

Makaraan ang eight laps na nagsimula sa Quezon City Memorial Circle hanggang masungkit ni Calderon ang red jersey ay mayroon na lang 94 siklista ang nalalabi para umarangkada mula sa Agoo, La Union hanggang sa Lungsod ng Pino via Aspiras Highway (dating Marcos Highway).

Makaraan ang eight stages ay nakatipon ang 30-anyos na siklista mula sa Guimba, Nueva Ecija ng total na 25:25:13 clocking na angat lang ng 14 segundo kay George Oconer ng Phl Under-23 team na sinusundan ng pambato ng 7-Eleven na si Irish Valenzuela (25:26:49).

Ang mga nasa top 10 standings ay sina Calderon, Oconer, Valenzuela, Rudy Roque ng American Vinyl, Santy Barnachea ng Eastern Pangasinan, dating tour champion Arnel Quirimit ng Central/Western Pangasinan, Alvin Benoza ng Bicol team, Baler Ravina ng Eastern Pangasinan, American Vinyl skipper Cris Joven at ang humahabol sa ika-10 si Warren Davadilla ng National Capital Region. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply